Thursday, March 7, 2013

Koko Pimentel nagmamalinis




There is no such thing as a good political dynasty.

Ito ang sagot namin kay Koko Pimentel, ang mapagbalatkayong senador na diumano'y kalaban ng mga Political Dynasties sa bansa.


Una, ang mga Pimentel, kasama ang ama ni Koko na si Sen. Aquilino PImenel Jr. at ang kanyang kapatid na si Gwendolyn, ay pawang mga pulitiko mula sa iisang pamilya.

Kung hindi ito matatawag na Political Dynasty ay hindi ko alam kung ano ang itatawag dito.

Dahil dito, hindi ko maintindihan itong si Pimentel dahil kung talagang ayaw niya sa Political Dynasty ay dapat hindi na siya muling kumandidato.

Ika nga ay "Action speaks louder than words".

Hindi matatabunan ng isang panukalang batas ukol sa Political Dynasty ang kanyang aksyon o paghahangad ng kapangyarihan.

Tandaan po natin na ang pangunahing hinahangad ng mga senador ay hindi ang makapaglingkod sa ating bansa kungdi ang kapangyarihan.

Bakit ba patuloy na nandiyan ang mga Enriles, Arroyos, etc? Simple, para mahawakan ang kapangyarihan at ang katumbas na impluwensiya nito.

At walang pinagkaiba si Koko Pimentel sa mga pulitikong ito.

Ang habol ni Koko Pimentel ay kapangyarihan upang may impluwensiya ang kaniyang pamilya sa maraming bagay.

Kaya ngayong Mayo, huwag tayong palo kay Koko, wasaking ang Pimentel Dynasty at huwag iboto si Koko Pimentel.

No comments:

Post a Comment